Apat na tulog lang mga kapatid. Ano kaya pa!? Kapit lang. Anu't ano pa, matatapos din yan. Kapag natapos ang lahat tapos wala na kayong ginagawa sa buhay nyo, dun nyo ma mi-miss ang lahat. Dun nyo magre realize, ang sarap palang mag aral kaysa mag trabaho. Totoo yun! hahaha. Well anyway, hoozaaay, highway, eto mga last minute ng pinaka maganda nyo ATE sa karera.
1. Wag mag alala kapag di nyo alam ang sagot. Kapag di nyo alam, malamang sa malamang, di rin alam ng iba. At least di ka nag iisa. Damay damay na to. At sa totoo lang, general rule talaga di mo alam. Kapag unang basa mo e alam mo na ang sagot, kabahan ka na. Basahin mo ulit, malamang mali pagkakaintindi mo. Kapag di alam, dahil product naman kayo ng PUP, mag creative writing. Basta siguraduhin na medyo connected naman ang sagot nyo. Wag mag amend ng batas, di yan kongreso. Gandahan ang english, minimal to zero erasures, gandahan ang sulat. After nun, dasal.
2. Magbaon ng masarap ng pagkain. Nung exam ko, mas concern ako kung anong pagkain ko kaysa sa anong isasagot ko. Syempre, bibitayin na nga ko, di pa masarap kakainin ko. At least I will die happy.
3. Wag ka ng magbasa ng TIPS. Salot yan! Maniwala sa mga inaral nyo. At kung meron man kayong dapat pasadahan before mag start ang exam, yun ay ang codal. Wag kayong mag alala kung alin dun ang dapat basahin. By heart alam nyo anong mga provisions ang dapat balikan. Tiwala lang.
4. This is not just my experience but even from others, madalas kung anong lesson sa classroom, yun ang maalala nyo at hindi ung lectures during review center. Use your imagination, picture yung classroom, your professors, san ka nakaupo, relax and recall. Magugulat na lang kayo at magpapasalamat sa mga profs. Kaya nga sa mga students pa lang, it pays to attend the class kahit hindi nag aral. WAG KAYONG MAG ABSENT.
5. Nakaka haggard ang exam kaya its a duty to yourself and to the entire nation na maging fresh. Basta importante sa akin dati, hindi ako lalabas ng UST na haggard. Always and forever, dadaan muna ako ng restroom para mag retouch and maglagay ng red lipstic.
6. Wag madamot. Makaka encounter kayo dyan mga seatmates na aatakihin na ata ng anxiety attack kakapilit mag recall ng mga topics. Kung kaya mo naman sya tulungan, gawin mo. Hindi yun sa pagmamayabang but you also wish that person success. I remember doing that sa Legal Ethics kasi di nila kabisado ang Lawyer's Oath. Ang sarap ng feeling na pagtapos nang exam, lalapitan ka nila at pasasalamatan. Its actually a proud moment for me at ang nasabi ko lang ay see you sa Oath Taking. True enough. Nagkita nga kami dun. Oh diba. Good Karma.
7. Take with you during exam kung ano man ang makakapag pagaan ng pakiramdam nyo. I had with me my rosary nung nag eexam ako. Kung gusto nyo picture ng buong angkan nyo, so be it. Basta ipaalam nyo lang muna sa mga proctors.
8. This has been said many times, in many ways pero wag nyo ng hanapin ang tamang sagot after ng exam. Wala na mga bes, nasulat nyo na. Kahit kumatok pa kayo sa Supreme Court, hindi na nila ibabalik sa inyo ang booklet. Sabi nga, what you do not know can't hurt you. Kaya wag nyo ng alamin kung tama ba o hindi mga sagot nyo.
9. From front gate ng UST to mga exam buildings, may tinatawag ako dun DEATH MARCH. Idasal nyo yun mga kapatid. Wag na kayong tumambay sa may fountain. Maiinitan pa kayo at mag aamoy araw. (Oo nga pala, mag exam kayo ng fresh. As in mabango, preskong presko. Wag amoy araw. Nakaka badtrip ang exam, wag nyo ng dagdagan pa). Going back, while walking papunta sa exam room hanggang sa makaupo ka sa pwesto, mag dasal ka. Kahit ano pang dasal yan basta wag lang kay public nuisance na si Luci... keri lang. Dasal lang talaga bes. Marami kayong magdadasal DURING exam, siguraduhin mo ng mauna ka sa pila sa wishlist kay Bff Jesus.
10. Lastly, after every exam, magpasalamat. Wala na bes. Napasa mo na ung booklet. The best thing to do is magpasalamat kasi you are one step closer to living the moment. Kada pasa mo ng booklet ay papalapit sa matagal mo ng pinapangarap. Tandaan, hindi lahat nakakarating sa puntong yan. Yung iba nga suntok sa buwan pa kung makaka graduate na. Ikaw andyan na! Magiging abogado na! Naniniwala ako na lahat ng nagkakaroon ng opportunity magtake ng bar exam ay magiging abogado, hindi man siguro sabay-sabay (well yun ang reality) pero magiging, basta hindi ka susuko. Ang mahalaga naman ay makuha mo ang titulo diba.Kaya magPASALAMAT ka bes. Ayan na. Abot kamay mo na.
Ang daldal ko talaga pero nawa'y mabasa nyo to. Ay wait lang... kung mababasa nyo to ibig sabihin nagf fb kayo, pre week na ha! Charuuut. Pahinga naman. Oo nga pala, di kasalanan ang mag fb sa pre week ha. Kung yan ang paraan para hindi bumigay utak nyo, go lang!
p.s. Pabili kayo maraming salonpas after ng 1st Sunday. Kakailangan nyo yun, maniwala kayo. Kung pwede, pa schedule na agad kayo ng massage session sa monday. hahaha!
p.p.s. Mahirap ang bar exam kasi mahirap maging abogado, at least for the 1st year. Kaya in time maiintindihan nyo bakit ganyan ka stressful ang mga bagay-bagay. Enjoy the moment.
GOD BLESS all 2017 Bar Examinees!
Love lots,
Katerina Bianca